Wed, 23 Sep 2020

Quirino province nananatiling COVID-free

Philippine Information Agency
09 Aug 2020, 22:38 GMT+10

CABARROGUIS, Quirino, August 8 (PIA)-Nananatiling COVID-free ang lalawigan taliwas sa naiulat na may tatlong nagpositibo sa coronavirus, ayon sa Department of Health Regional Office.

Sa paglilinaw ni DOH Region 2 Director Rio Magpantay, ang probinsya ng Quirino ay COVID-free pa rin hanggang sa kasalukuyan at nakipag-ugnayan na siya sa DOH Central Office para maiwasto ang datos.

Ayon sa paliwanag ni Provincial Health Officer Mila Jacinto Villar, sa kanilang pakikipag-ugnayan sa DOH, napag-alamang may mali sa pag-encode kung saan may nakalagay sa COVID tracker na may tatlong COVID-19 positive sa lalawigan.

Ayon pa kay Villar, nagpadala na rin umano si Director Magpantay ng letter of apology sa lalawigan at natanggap na ng kanyang upisina at gayundin sa upisina ng gobernador.

Ayon naman kay Gob. Dax Cua, mahalagang maayos sana ang record para maiwasan ang mga kahalintulad na pangyayari sa hinaharap.

"Let us assure our constituents that we are reporting to them truthfully and we are not hiding anything from them. In fact, we hold our IATF meetings twice a week and all information are shared because we want our constituents to know what is going on and what is happening in our province," ayon pa kay Gob. Cua.

Samantala, sa pinakahuling ulat ng Provincial Health Office, sa kasalukuyan ay walang naitalang suspect case at probable case sa lalawigan ngunit mayroon itong naitalang limang Persons Under Investigation o PUI.

Tatlo sa mga nasabing PUI ay sumailalim na sa confirmatory test at hinihintay na lamang ang resulta. Habang ipapadala pa lang ngayon sa DOH 2 ang specimen sample ng dalawa pa.

Ayon pa kay Villar, mayroon din silang binabantayang limang close contacts ng isang nag-positibo sa Roxas, Isabela at apat na close contacts ng isang nag-positibo sa Santiago City.

Ang bilang ng PUM ay umabot na sa 650: Aglipay-129; Cabarroguis-91; Diffun-130; Maddela-170; Nagtipunan-61 at Saguday-69.

Paalala ni Villar, huwag sananga makampante ang mga mamamayan at patuloy sana silang sumuod sa health protocols upang mapanatili ang pagiging CoVID-free ng lalawigan.(ALM/TCB/PIA-Quirino)

More Latin America News

Access More

Sign up for Latin America News

a daily newsletter full of things to discuss over drinks.and the great thing is that it's on the house!